#56 Filipino Poetry: "Sampung Taong Naghintay"

photo-1415336190137-2cfe99b8f3f0.jpg

"Sampung Taong Naghintay"

Ikaw ang aking puso, aking buhay,
ang lahat sa akin, aking mundo at aking pag-ibig
Pinaghiwalay at pinutol ang atin pag-iibigan ng sampung taon
Ang pag-irog ko sa'yo ay nagsimula pa noon,
noong ikaw ay labing anim na taong gulang pa
Taon ang lumipas at tayo'y nagkitang muli,
hindi ko alam kung sino ka, at di mo alam kung sino ako
Kinaumagahan, isang maliwanag na ilaw ang bumungad sa aking mga mata
Na tayo ay pinagtagpo ng tadhana at hindi tayo lumayo sa isa't isa, lalo na ang damdamin
Ang pagmamahalan natin ay natatangi sa iba,
Ikaw lang ang tangi kong sinisinta!

Sa kakatitig ko sa iyong mga mata, ang liwanag na nakikita ay lalong lumalaki
Ang maganda at mapungay mong mga mata ay nagpapakita na ako parin ang nasa iyong puso
Kinakanlong kita sa aking mga bisig ng mahigpit habang ikaw ay natutulog
Batid kong dama mo ang gabi na ikaw ay ligtas at malayo sa panganib
Namimiss natin ang isa't isa kahit kasisimula palang ng umaga
Parang ang pag-ibig natin ay pambata dahil sa kilig na nakukuha
Ngunit tayo ay higit pa doon dahil iba na ang panahon
Pinagkaitan tayo ng pagmamahal ng kay tagal
Pero ngayon na tayo ay iisa ng muli, ipakita natin kung ano ang tama sa mali
Isang napaka gandang karanasan ay makasama kang muli at mahalin ng magpakailang sandali
Ikaw ang mahal mo, pangarap at pag-ibig


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
4 Comments