#58 Filipino Poetry: "Kadiliman"

photo-1500206329404-5057e0aefa48.jpg

"Kadiliman"

Sa kailaliman ng aking sarili,
ang kadiliman ay laging nagkukubli
At sa paglakbay mo sa kailaliman nito,
tiyak ang gulat mo kung ito'y dadampi sa iyo.
Ito man ay nagtatago, ito rin ay naninirahan
Minsan nagkukunwari ngunit hindi naman maitatangging nandiyan

Kasing lawak ng karagatan na madilim sa ilalim
Tatanungin mo ko kung anong mali
At hindi ako iimik at walang isang salita ang lalabas sa aking bibig
Dahil kung ako'y magsisimula, hindi na matatapos

Hindi mo man makita kung gaano kalungkot ang ganito
Hindi mo rin malalaman ang haba ng aking tinakbo
Sa tingin mo'y kita mo na ang puso ko
Puso ko lang iyan at hindi luha na tumutulo

Sa panahon na ika'y lumisan
Dama ko ang baba ng aking pagkakalagyan
Bakit di ka nanatili
O kaya'y kunin mo na lang ako

Hindi ko nakita ang pag-asa
Dahil ito'y madulas na parang may grasa
At ang huli niti ay lubid
Na nakatali sa aking le-eg

Kahit alam kong ikay babalik
Dahil dasal ko ang iyong presensya
Matututo kaya ako tingin mo?
Ano kayang makukuha mo?

Nakita kita ngayon lang
Na parang malayo ang agwat
Ngunit kadiliman ko'y dito parin
Habang buhay ng kapiling.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments