"Alas 5 ng Umaga"
Isang dilaw na buwan
na dumudungaw sa bintanang makitid
At ang pula't lila na sinag ng araw
sa umagang kay aga - alas 5 ng umaga
Ang mga dahong pumapalid palid
na daraan sa makulimlim na langit
Hamog na pumapatak sa puno
na galing sa mga ulap ng punong puno
At ang tinig ng nagkikiskisnag sanga
na maririnig mo hangga't sa kama
Mga huni ng ibon sa namamatay na gabi - alas 5 ng umaga
Malamig na simoy ng hangin
dumadampi sa iyong katawang balot ng dilim
Mga pagaspas ng mga damo
dahil sa lakas ng amihang pumapalo
Mga patak ng ulang maliliit
na kapag tatama sa'yo ay marikit
Ang amoy ng umaga ay alas singko na!
Patay na dahon na nalaglag
at mga bulaklak na bumubukadkad
Ito lamang ay iilan sa makikita,
sa malamig na umaga.
Kahit may sinig ng araw
hindi ito kayang pumukaw
Tanungin mo man ang isang matanda
na sa maaga ay nagwawalis sa daang mahaba
Sabihan kita, tumingin ka at magmatyag sa paligid
Dahil para sa akin, may makikita kang mas maganda sa paningin
Ito ay ang likha na sa atin ay gumigising
Sa umagang kay ganda at ito ay alas 5 na ng umaga.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
- Kadiliman
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash