#60 Filipino Poetry: "Laban"

photo-1481931436684-61af4d3388c4.jpg

"Laban"

Sa araw araw na binigay ng Diyos,
tayo ay lumalaban.
Laban sa buhay na malupit
dahil hindi pantay ang stado natin sa iilan.

Kahit na ang mga mayayaman ay natututong lumaban.
Laban sa kahirapan na kahit anong oras ay kaya silang dapuan
Laban sa mga taong mapang api at kahit anong tulong na ibibigay ay gusto kang hilahin sa tabi

Lumaban ka kahit na ikay mahirap,
dahil sa huli ikaw ay mayaman sa pangarap.
Lumaban ka kahit ika'y pinagkaitan ng kasiyahan,
dahil ang kalungkutan ay panandalian lamang.

Lumaban ka kahit na ika'y mahina,
dahil ang mahina ay pinagpapala.
Lumaban ka kahit na ika'y inaapi,
dahil sa bandang huli ikaw ay magwawagi.

Any buhay ay dapat labanan
hindi dahil ito ay malupit na lang lagi
kundi ito'y ay natatangi.
Bawat isa ay may pinagdaraanan
pero hindi lahat ay kayang lumaban.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
1 Comment