#61 Filipino Poetry: "Laro" eng: Play

photo-1502086223501-7ea6ecd79368.jpg

"Laro"

Naalala mo pa ba ang mga laro natin noong bata pa?
Tumatakas tuwing tanghali,
na para bang di mapakali.
Nagbibilad sa ilalim ng araw,
habang tinatanaw ang ulap na napakabughaw.
Umuuwi sa bahay na amoy pawis,
kaya napipingot ni Nanay ng napakalabis.

Naalala mo pa ba ang bilis at liksi
upang sa Patintero ay manalo
Ang pabilisang pag-akyat
sa mala-grasang kawayan ng Palo-Sebo
Ang pagbibilang isa hanggang sampu
sa pagsisimula ng Tagu-taguan
Ang pagtakbo ng mabilis bitbit ang tsinelas
upang sa Tumbang Preso ay 'di maunahan

Naalala mo pa ba nung tayo'y natutong mag-DOTA,
ang mga mukha natin ay nasa Kompyuter na
Nung tayo'y natutong mag-Facebook,
ngumingiti nalang mag-isa sa may sulok
Naging korni na ang mga Larong Pinoy
Hindi na nga alam kung paano mag Jak-en-Poy

Ang mga kabataan ngayon ay tila nawalan na ng sigla
Ito na yata ang epekto ng makabagong teknolohiya
Na ang mga larong sinauna ay tila nakalimutan na
Mga larong sa PE nalang pilit na inaalala


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments