#63 Filipino Poetry: "Basura"

photo-1495556650867-99590cea3657.jpg

"Basura"

Karaniwang makikita sa gilid ng daan
Mga pambalot na kinuhanan na ng laman
Kadalasang nakabara sa ilalim ng kanal
Mga plastic na nakalutang na rin sa imburnal

Para sa iyo wala itong saysay
Sa iba, ito ang kanilang ikinabubuhay
Ngunit ang hindi mapakinabangan
Iiwanan rin lang sa tira-tirang kabundukan

Sa malabakal na rehas ng alulod,
ito ay pilit na kumakawala
Sa tabing-daan,
ito ay inaapak-apakan ng madla
Sa kapabayaan,
ito ay hinahayaang inu-uod
Sa paghagis sa kung saan,
ito ay nagmamakaawa sa pagkakalunod

Kailan ba tayo matututo?
Hindi pa ba sapat ang natamasang delubyo?
Itinapong basura ay babalik sa atin
Nawa'y disiplina ay ating pag-igtingin


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
9 Comments