#65 Filipino Poetry: "Inggit"

photo-1441786485319-5e0f0c092803.jpg

"Inggit"


Nang may natanaw kang maganda sa mata
Inggit mo'y pinigilang ipakita
Pilit hinahalungkay ang sikreto
Kung bakit ibang-iba ito sa'yo

Napakadaya yata ng kapalaran
Bakit hindi ka nagkaroon ng ganyan
O sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana
Mga bagay na gusto ay hindi mo nakukuha

Kisig ni Superman,
ay palagi mong tinitingnan
Kumot na lumilipad,
gusto mong ikaw rin ay ipadpad
Kagwapohan ni Coco Martin,
nais mo ay gayun ka din
Malapalasyong bahay na bato,
ibig mo'y makuha rin ito

Kahit anong bagay ang makamtan mo
Hinding-hindi ito magiging sapat sa'yo
Dahil sa mga bagay na inaasam-asam sa iba
Kahalagahan mo'y hindi mo nakita


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments