"Sugat"
Kapwa Pilipino ang siyang naglalaban-laban
Para sa ideolohiyang hindi batid kung ano'ng pinagmulan
Kaisipang nagdulot ng pasakit sa inosenteng mamamayan
Hindi maintindihan ang ugat ng ipinaglalaban
Tapyasin ang kapwa ay bakit pa kinakailangan
Gusali't imprastaktura ay hindi mo lang giniba
Pati narin ang kapayapaan ng iyong kapwa
Sa pagkakaisa ng Sandatahang lakas ng Pilipinas,
Hukbo mo ay unti-unting nawalan ng tapang at dahas
Sa pagpapanumbalik ng minimithing kasarinlan,
Kapalit nito'y mga buhay na unti-unting nalalagas dulot ng digmaan
Paghihimagsik mo'y pilit nilalabanan
Paglaganap ng kasakiman ay hinahadlangan
Hanggang paghahamok ay dahan-dahang naibsan
Mga bayaning nasawi ay sumabay sa iyong paglisan
Ngayong kapayapaan ay nakamtan
Paglatay ng dugo sa dakong tinubuan ay napigilan
Mga pangamba ay unti-unting humupa
Bumalik ang dating lugar na mapayapa
Sugat sa katawan ay unti-unting napapawi
Subalit peklat sa puso'y kailanmang mananatili
Naninirahang alaala ay palagiang nakatatak
Hindi maiibsan ng kahit anong ginto't pilak
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
- Kadiliman
- Alas 5 ng Umaga
- Laban
- Laro
- Ang Makabagong Sandata
- Basura
- Saplot
- Inggit
- Dulo
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash