#68 Filipino Poetry: "Pangarap"

photo-1444703686981-a3abbc4d4fe3.jpg

"Pangarap"

Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pangarap
Nais mo mang mamuhay ng simple
O manirahan ng mas komportable
Ito’y nangangailan pa rin ng matinding pagsisikap

May iilang tao ring mangangarap para sa’yo
Sa paniniwalang ito ang mas makabubuti sa kapakanan mo
Datapwat anuman ang dikta ng iba
Sa pagtupad ng pangarap, ikaw pa rin ang makikibaka

Sa pagpili ng minimithi ng iyong puso
Masaya ka ba't hindi nagpadala sa uso?
Hanggang ngayon ba'y ito pa rin ang nais mo?
Kung ganon ay masaya ako para sa'yo

Ngunit nasubukan mo na bang tanungin iyong sarili
Ano bang iyong ginawa upang pangarap ay hindi maiwaksi
Isa ka ba sa kumakayod umaga hanggang gabi
O isa ka sa iilan na himala nalang ang hinihintay palagi

Kumayod at magsumikap ka!
Ang bukas mo’y 'wag sa ibang tao iasa
Huwag ipasantabi ang mga pagkakataon
Pasasalamat sa sarili ang masasambit mo pag naglaon


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments