"Aliping Manggagawa"
May mga taong makakasalamuha natin
Mga mata nila’y sumisigaw ng masisidhing layunin
Layuning mamuhay ng may hangarin
Hangaring magbibigay-solusyon sa kanilang mga suliranin
Ngunit sa kanilang kaloob-looban,
sinisigaw ang napakalaking kasinungalingan
Kasinungalingang hindi maatim ipakita sa iba
Nangangamba na baka mahusgahan sila
Gumigising ng napakaaga gaya ng nakasanayan na
Walang ibang nasa isip araw-araw,
kundi pumasok sa trabahong hindi naman gusto
dahil kailangan nila ang sahod na binibigay nito
Binibigay halos lahat ng panahon sa pagtratrabaho
Sinusulit hanggang sa kahuli-hulihang sentimo
Hanggang ang pagtamasa sa ganda ng buhay ay nakalimutan na
Ni wala ng oras para sa mga kaibigan at pamilya
Ang lahat ng bagay ay nagiging normal na
Pangkaraniwan na halos lahat ng ginagawa
Umaalis sa bahay para maghanapbuhay,
at umuuwi upang mamahinga para sa panibagong bukas
Bukas na paulit-ulit gaya ng dati
Walang pagbabago, walang kabuhay-buhay
Dahil sila’y mga manggagawang naging alipin na sa paghahanapbuhay
Natatakot ako,
baka darating din ako sa ganitong estado
Oo, natatakot ako
dahil posibleng ito rin ang kahinatnan ko
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
- Kadiliman
- Alas 5 ng Umaga
- Laban
- Laro
- Ang Makabagong Sandata
- Basura
- Saplot
- Inggit
- Dulo
- Sugat
- Pangarap
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash