#72 Filipino Poetry: "Santa"

photo-1480819031369-4710cf00b8d7.jpg

"Santa"

Oh aking Santa!
Santa, ako ay naghintay
Naghintay ng kay tagal
Naghintay na makuha ang regalong inaasam-asam
Regalong ang kukulwa ko ang may gusto
Regalong higit pa sa ginagawa mo para sa kabataan
Gawan mo ako at ng sasaya din ako

Gawan mo ako ng bahay na matutulugan
Dahil kulang ako sa tulog at yan ang kailangan
Tulog na mula umaga hanggang gabi
Magpapahinga ang utak ko na pagod
Sa isang malambot na kama at kumot

Bigyan mo ako ng bagong electric fan
Dahil luma na yung nakasabit sa bubungan
Bigyan mo ako ng bagong telebisyon
Dahil hindi na malinaw gaya ng isang relasyon

Higit sa lahat bigyan mo ako ng magpapasaya sa akin
Hindi bagay, hindi pera at hindi pagkain
Isang mabait at isang matulungin
Isang mapagmahal at maunawain

May isa pa akong hinihiling
Sa paskong masaya na darating
Sana Santa, bigyan mo ako ng isang pluma
Para masulatan ko ang mga mahal na nasa ibang bansa

Marahil ikaw ngayon ay tumatawa, Santa
Dahil makaluma na ang isang telegrama
Oo ngat sumasabay ka na sa uso
Ngunit hindi mo maikakaila na ang pagmamahal ay walang sinasanto

Oh Santa!
Dito sa huli kong mensahe,
Sanay hindi mo makalimutan ang mga gusto ko sa gabi
Gusto ko lang matulog ng matiwasay
Na walang iniisip na kahit isang bagay
At sana Santa,
sanay makita kana
Para hindi na ako magsisinungaling sa mga bata
na kung totoo ka bang talaga


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments