#73 Filipino Poetry: "Ninong at Ninang"

photo-1510546462255-979b0e0ca1b5.jpg

"Ninong at Ninang"

Pasko na naman, at may tao na naman tayong natatandaan
Siya yung umakay sa atin noong tayo ay sanggol pa lamang
Noong tayo'y bininyagan sa harap ng simbahan, abot tenga ang kanilang ngiti at kasiyahan

At nang tayo'y lumalaki, nagiging mailap sila sa tabi
Para bagang usok na makikita ngunit di mahagilap dahil biglang mawawala

Natatawa na lang ako kung iisipin
Bata pa ako noon binibigyan ako ng masusuutin
Ngayong malaki na,
Hindi man lang mabigyan ng isang kamesa

Ninong ko, Ninang ko!
Nasaan na ba kayo?
Pasko na, panahon ng pagbibigayan
Hindi ko man kayo masuklian ng kung ano,
ang respeto ko sa inyo ay todo-todo.

Isa lang ang gusto ko sa paskong darating,
na ang ninong at ninang ko ay pupunta sa amin
Hindi lang para bigyan ako ng regalo,
Ngunit para mabigyan ko rin sila ng aguinaldo na galing sa aking puso.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments