#76 Filipino Poetry: "Pag-asa"

photo-1505231509341-30534a9372ee.jpg

"Pag-asa"

Ano ba ang dapat kong gawin,
upang ikaw ay bumalik sa akin.
Lagi nalang kitang nasasaktan ng walang dahilan
Kung di kana magiging akin,
sanay sabihin sa akin
Ngunit kahit anong pilit mang iwas,
ay hindi maikukubli
Na ang pusong mapagmahal,
at sa iyo lang natatangi

Anong sumpang dumapo sa atin
na tayo'y ginagawang alipin sa iba
Mga lungkot na nakikita sa ating mga mata
Kung maibabalik ko lamang ang mga panahon
Hindi na sana kita iniwan sa lilim ng puno't dahon

Pag-asa ay naiiba sa ating dalawa
Pinapasa Diyos na lang ang gusto na makuha
Hindi man natin hawak ang nakatadhana
Subalit ang minimitya ng damdamin ay ang isa't isa

Iiyak tayo ng lubusan
At ang mga pighati'y pagdudusahan
Pero ang ngiti na nakahulma sa iyong mga labi
Ay nagbibigay pag-asa sa isang binatang pogi

Dinaan ko lang sa tawa at sigla
Ngunit iba ang sakit na nadarama
Marahil may mga taong nagbibigay sa atin ng leksyon
At ang mga taong iyon ang ating huling direksyon!


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
2 Comments