#77 Filipino Poetry: "Caroling"

photo-1513112044833-18566b5207c2.jpg

"Caroling"

Pasko na naman! Oh lapit ang na, lahat ay magiging masaya
Nakakapanabik pakinggan ang mga kampana sa simbahan
Sa oras na kakanta ang mga anghel sa altar

Ang mga lumang tugtugin na naririnig sa daan
Galing sa mga batang nangangaroling
Mga boses na pamilyar at matamis sa taenga
Mga lyriko na pauulit ulit
Kinakanta sa harapan ng pintuan at bintana

Nakikita mo sa mga mata ng mga matalinghaga,
na taos puso nilang binibigay ang kanilang talentong taglay
May mga bata, matanda at kahit hindi mo minsan makita
Iisa lang ang gustong makuha, ang
magkapera sa pangangaroling sa araw ng pasko

Gitara ang minsan o ang laging dala
May iba na tansan ang nagpapasaya sa kanilang kinakanta
At kung minsan naman wala lang,
pera na iniyuyugyug ay puwede na.

Isang napakagandang gabi ang aking sinasamsam
Nang laking gulat ko na may sumisigaw sa harapan ng aming pintuan
Isang pepe na nangangaroling,
may dalang kubyertos na pinapalo para magkaroon ng tinig at tugtog
Ang kanyang kanta na kahit isang salita
ay hindi mo maintindihan at makuha


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
4 Comments