#78 Filipino Poetry: "Minsan"

photo-1504196877113-b6ec66380c41.jpg

"Minsan"

Hindi palagi, kundi, minsan.
Minsan mong naging kaibigan, ngayon
Sa iyo'y kinakaibigan
Sa bilis ng ating pagsasama, sing bilis rin
na lumaki ang ating pagnanasa sa isa't isa

Hindi palagi na tayo'y ganito, minsan lang tayo nagtatalo
Hindi palagi na tayo'y masaya, ngunit paminsan minsan tunay ang ating mga tawa

Minsan, ang mga bagay na binigay,
Kahit hindi palagi ay galing naman sa tiyaga ng aking mga kamay
Kung may palagi man akong nagawa
Yun ay ang masaktan dahil sa aking pananalita
Umabot pa sa sukdulan, napagbuhatan kita dahil di ko na napigilan.

Hindi palagi, kundi minsan.
Minsan mo ng naging kaaway, ngayon ay iyong tunay na kaagapay
Mga problema mo na kay dami,
sa akin mo lang sinasabi.
At mga hinanakit mo ang bigat,
walang ibang malapitan, ako, iyong tapat.

Sa darating na panahon na tayo'y magkikita,
Ang palagi mong nadarama ay hindi mawawala,
Kahit na anong pilit mong gawin upang maging masaya
Ang minsan na iyong minahal ay mahal ka paring talaga.


Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!

Previous Filipino Poetry

Previous Filipino Poetry with English Explaination


Image Taken from Unsplash

New-Animation-1.gif

Follow-Me-(Looped).gif

themanualbot.jpg

follow_themanualbot.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
3 Comments