"Pagod"
Hindi mo man lang nakikita ang mga pagbabagong pinanghahawakan ko.
Na kahit na anong pilit kang pilitin,
Iba parin ang tinitibok ng damdamin
Mga kulay na aking nakikita sa mata,
iisa lang ang mailalarawan sa kanila
Ang lamya ng aking mga kilos
pag ikaw ay wala sa tabi, aking irog.
Pagod na ang utak sa kaiisip
ngunit ang pusong di magpapatalo at napakaligalig
Ang ngiting iyong nakikita
ay may kurot na tinatago kapag ikay may kasamang iba
Wag kang mag-alala sa damdaming naglilihim
Ito yung mga tipong, iisa lang ang tunay na sinisigaw at hahangarin
Kapag may nagbago sa akin,
tiyak mabuti ang kalalabasan at sa iba'y pupurihin
Huli man na malaman mo ang lahat
Kahit na sa ibang banda, ikaw lang ang sapat
Wag mong hayaang mapagod ang isang tulad ko
Dahil baka sa huli, mapagod man ito, ikaw parin ang gusto.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
- Nakakamiss
- Tumawa Ka
- Banal na Rosaryo
- Kaibigan
- Nagsusumamo
- Halina
- Hinahanap ang Yakap
- Amang
- Binata Part 1
- Binata Part 2
- Binata Part 3
- Dalaga Part 1
- Dalaga Part 2
- Dalaga Part 3
- Isang Pulubi
- Ang Buhay
- Pananalig
- Ikaw
- Sakit
- Nag-iisa
- Sining
- Mahal Kita
- Anghel
- Umagang Parating
- Magigiting na Kawal
- Munting Diablo
- Pagbati sa Walang Ligtas
- Mainit na Gabi
- Salamin
- Inuman
- Prinsipyo
- Aklat
- Ukit
- Mangkukulam
- Bangungot
- Oras na
- Pananaw
- Paalam
- Ako'y Nagbalik
- Napapanahon na Makata
- Tunay na Lalaki
- Alak
- Buhay na Payak
- Sarili
- Maynila
- Nagsisisi
- Mahina
- Luntian
- Pula
- Bitaw
- Sampung Taong Naghintay
- Rosas
- Kadiliman
- Alas 5 ng Umaga
- Laban
- Laro
- Ang Makabagong Sandata
- Basura
- Saplot
- Inggit
- Dulo
- Sugat
- Pangarap
- Aliping Manggagawa
- Pasko sa Pinas
- Hindi Mawawala
- Santa
- Ninong at Ninang
- Keso de Bola
- Simbang Gabi
- Caroling
- Minsan
Previous Filipino Poetry with English Explaination
Image Taken from Unsplash